Nagpulong na kanina sina Justice Sec. Crispin Remulla at mga kinatawan mula sa Chinese Embassy.
Ito ay para pag-usapan ang deportation sa Chinese illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers sa bansa.
Ayon kay Remulla, posibleng sa huling linggo ng buwang ito o sa unang linggo ng Oktubre simulan ang deportation sa Chinese illegal workers sa bansa.
Tinatayang 40,000 Chinese POGO workers ang iligal na naninirahan sa bansa habang 216 ang bilang ng iligal na POGO sa bansa.
Paunang 300 naman na Chinese illegal workers ang mapapasama sa unang batch ng deportation.
Facebook Comments