COMELEC, naglatag na ng mga petsa para sa mga aktibidad sa 2022 BSK Elections

Itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa October 22 hanggang October 29, 2022 maliban sa October 23, ang Filing ng Certificates of Candidacy para sa mga tatakbo sa 2022 Barangay at SK Elections (BSKE).

Simula naman sa November 6 hanggang December 20, 2022 ang election period gun ban.

Mula naman sa November 25 hanggang December 3, 2022 ang campaign period.


Sa December 5, 2022, araw ng halalan, mag-uumpisa ang botohan sa dakong alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Sa January 4, 2023 naman ang huling araw ng paghahain ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) ng lahat ng kandidato maging siya ay talo man o nanalo.

Facebook Comments