Naranasan ng mga kindergarten pupils mula sa Narciso R. Ramos Elementary School sa Asingan ang makabisita sa Fire Station at maturuan sa fire safety bilang bahagi ng mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month 2026.
Sa isinagawang Open House o Station Tour, ipinakita sa mga batang mag-aaral ang ilang pangunahing kagamitan ng mga bumbero kabilang ang fire truck at iba pang firefighting equipment.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga bata ng paunang kaalaman tungkol sa fire safety, pag-iwas sa sunog, at paghahanda sa oras ng emergency sa paraang madaling maintindihan ng mga batang mag-aaral.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga bata na makita ang loob ng fire station at makilala ang mga bumbero, habang ipinaliwanag sa kanila ang tungkulin ng mga ito sa pagtugon sa mga insidente ng sunog at iba pang sakuna.
Ang ganitong aktibidad ay bahagi ng patuloy na kampanya tuwing Fire Prevention Month upang mapalawak ang kaalaman ng komunidad, kabilang na ang mga bata, tungkol sa kahalagahan ng pag-iwas sa sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










