Mga kritiko sa vaccine procurement, dapat hintaying dumating ang bakuna para makita ang magandang kalalabasan nito – Medialdea

Umapela si Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga pumupuna sa pagbili ng pamahalaan ng bakuna laban sa COVID-19 na hintayin dumatin ang bakuna para makita ang magandang resulta nito.

Pagtitiyak ni Medialdea sa publiko na nasa tamang pangangalaga ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang pera para rito.

Matatandaang iginiit ng Malacañang na mananatiling top pick ng pamahalaan ang Sinovac vaccine ng China sa kabila ng mga alegasyong bumabalok sa kumpanya.


Ang Sinovac ay inakusahan ng panunuhol para mapabilis na ang pag-apruba ng kanilang mga bakuna.

Una nang tiniyak ng Food and Drug Administration na hindi nila hahayaang manaig ang korapsyon sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments