Sa pamamagitan ng kani-kanilang lagda kahapon ng mga tumatakbong kandidato sa Cotabato city ay umaasa si City Election officer Atty.Michael Ignes na susundin nila ang nakasaad sa Peae Covenant signing and Kanduli na huwag gumawa ng dahas sa aram ng kampanya maging sa araw mismo ng halalan. Kailangang maging sportsmanship at kung pwede ay iwasan ang siraan sa kapwa kandidato upang maiwasan ang pagkakaroon mainitang batuhan ng putik.Yan ang ilan lamang sa panawagan ng Comelec, City PNP, Task Force Cotabato, 603rd Brigade, 5th Special Forces battalion, DepEd,PPCRV at ng KBP. Dinagsa nga ng mga kumakandidato sa barangay at SK election ang Peace Covenant signing kahapon sa gymnasium ng CCSPC, na maging ang ilang unopposed barangay chairman ay dumalo rin. Kaninang 12:01 ng umaga ay nag umpisa narin siyam na araw na kampanya ng mga kandidato na magtatapos ang kampanya sa 11:59 ng gabi sa araw ng sabado o May 12. Nagbigay naman kahapon ng reminders sa mga kandidato si Atty.Michael Ignes kung anu ang Do’s and Dont sa campaign period. Pinaalalahan nito ang mga kandidato na dapat tig 5 pesos lang ang budget na gagastuhin kada botante, at maging sa size ng mga tarpaulin ay may nakalagay kung gaano kalaki at dapat merong common poster area sa bawat barangay.
Mga kumakandidato sa barangay at SK sa Cot.City nanumpa na hindi gumamit ng dahas sa halalan
Facebook Comments