Mga kurso sa Railway Engineering, dapat isulong para sa pinakamalaking Railway Project sa bansa

Itinuturing ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva na malaking job generator ang planong Philippine National Railways (PNR) South Long Haul project o PNR Bicol.

Dahil dito ay nanawagan si Villanueva sa pagsulong ng railway engineering and technology courses sa mga paaralan sa bansa para sa trained and skilled manpower na magpapatakbo dito.

Giit ni Villanueva, kailangang umpisahan na ng gobyerno ang pagkakaroon ng mga programa sa mga unibersidad at kolehiyo na gagawa ng isang lupon ng railway technology experts sa bansa.


Ayon kay Villanueva, dapat ilatag na ng gobyerno ang “educational groundwork for the country’s railway future” matapos maging pinal ang ₱142 bilyon na kontrata para itayo ang unang 380 kilometro ng riles mula Banlic, Calamba papuntang Daraga, Albay.

Tinawag ni Villanueva na “game changer” ang “modernized and extended Bicol Express” bilang ligtas at abot-kayang transportasyon para sa mga tao at kalakal sa pagitan ng Metro Manila, CALABARZON at Bicol.

Facebook Comments