Cauayan City, Isabela- Nagbabala ang punong Lungsod ng Ilagan sa lahat ng mga lalabag at hindi susunod sa ipinatutupad na protocols sa ilalim ng Community quarantine.
Ayon sa pahayag ng alkalde, hindi aniya ito mangingimi na iparesto sa mga law enforcer at ilalagay sa isolation ang sinumang tatalima sa quarantine protocols at hindi magseseryoso sa mga ibinaba nitong kautusan.
Sa kabila na rin ito ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod na halos araw-araw nakakapagtala ng panibagong nagpositibo.
Kanyang sinabi na panahon na para magkaisa upang malabanan at mapigilan ang pagkalat ng virus.
Inatasan na rin ng alkalde ang mga law enforcer na ipatupad ng mahigpit ang mga minimum health standards kontra COVID-19.
Maging ang mga opisyal ng barangay ay inatasan na rin na gawin ang responsibilidad sa panahon ng pandemya at higpitan pa lalo ang implimentasyon sa mga protocol.