Mga LGU na nagturok ng second COVID-19 booster shot sa general adult population, mananagot ayon sa DOH!

Binalaan ng Department of Health (DOH) ang mga Local Government Unit (LGU) sa pagbibigay ng second COVID-19 booster shot sa general adult population.

Sa ilalim ng Emergency Use Authorization (EUA), tanging ang mga immunocompromised individuals, healthcare workers, at senior citizens lang ang kwalipikado pa lang sa second booster shot.

Babala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mananagot ang mga LGUs sa oras na may maitalang adverse events o komplikasyon mula sa general population kaugnay sa second boosters.


Ang babala ng ahensya ay matapos makatanggap ng mga ulat na may mga indibidwal na nabigyan ng second booster shot, nang hindi pasok sa criteria.

Kasabay nito, muling binigyang-diin ni Vergeire na hindi pa inirerekomenda ang second booster shots para sa general population.

Facebook Comments