Mga lugar na naka-granular lockdown, umabot na sa 116

Mula sa 85, umakyat na sa 116 ang bilang ng mga lugar sa bansa na nakasailalim sa granular lockdown bunsod ng COVID-19.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 76 sa mga lugar na naka-lockdown ay mula sa NCR; 33 sa Cagayan; lima sa MIMAROPA at tag-isa sa Ilocos at Cordillera.

Hindi naman bababa sa 446 na katao ang apektado ng granular lockdown.


Nasa 191 tauhan naman ng PNP at 225 force multipliers ang naka-deploy para matiyak na nasusunod ang minimum health standards sa mga concerned area.

Facebook Comments