Manila, Philippines – Wala nang halaga at hindi na mapapalitan pa ang mga lumang perang papel.
Kaninang hatinggabi na kasi ang pangatlo at pinakahuling deadline ng demonetization ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon kay BSP-deputy director for currency issue and integrity Maja Gratia Malic, sapat na ang ibinigay nilang panahon sa publiko para makapagpapalit ng pera.
Samantala, ilang piraso pa rin ng old banknote series ang aniya’y nasa sirkulasyon pa rin na karamihan ay mga lima at sampung pisong perang papel.
Muli namang tiniyak ng BSP na hindi na magagaya o mapepeke ang mga bagong pera dahil tadtad ito ng mas maraming security features.
Facebook Comments