Mga mag-aaral sa Alternative Learning System, dapat pataasin ng DepEd

Isinusulong ni Committee on Education Chairman Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang pagkakaroon ng mas marami pang mga mag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System o ALS.

Tinukoy ni Gatchalian na ang rehistrado ngayong School Year 2021-2022 para sa ALS ay nasa 33.27% lamang katumbas na 199,422 mag-aaral.

Dahil dito ay iginiit ni Gatchalian sa Department of Education o DepEd na hanapin ang mga mag-aaral para sa ALS upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.


Ang ALS ay nagbibigay ng pangalawang pagkakataon para sa mga hindi nakapagtapos o kaya naman ay nahihirapang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Kabilang dito ang mga out-of-school children in special cases, may mga kapansanan at mga nakatatandang mag-aaral, gayundin ang indigenous people.

Binanggit ni Gatchalian na kasama rin sa mandato ng ALS Act ang pagkakaroon ng ALS Community Learning Centers sa bawat lungsod at munisipalidad.

Facebook Comments