Aabot sa apatnaput limang (45) magsasaka mula sa munisipalidad ng San Nicolas, Agoncillo, at Laurel sa Batangas na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal ang nakatanggap ng iba’t ibang uri ng ayuda mula sa Department of Agriculture (DA).
Ito ay bahagi ng nagpapatuloy na implementation ng Taal Recovery and Rehabilitation program gamit ang DA Quick Response Fund.
Nasa P43.8 milyong halaga ng agricultural interventions ang ipinagkaloob ng DA, kabilang dito ang calamansi, guyabano, lanzones, at cacao seedlings, banana sucker, plant growth enhancer, organic fertilizer, agricultural lime, vermicast, complete fertilizer, urea fertilizer at iba pa.
May ibinigay din sa kanila na mga hayop tulad ng baka, kalabaw, kambing, broiler, native chickens at mga kagamitan.
Layon nito na matulungang pasiglahing muli ang kabuhayan ng mga farmer beneficiaries.
Tiniyak pa ng DA ang buong suporta nito sa lalawigan para sa implementasyon ng programa para mapanatili ang food security sa rehiyon.