Mga mahuhuling nagbebenta ng COVID-19 vaccine at nagpapalsipika ng vaccination card sa Quezon City, may katapat ng kaparusahan ayon sa QC-LGU

Binabalaan ng Quezon City government na may pagkakalagyan na ang mga indibidwal na gumagawa ng iligal na aktibidad na may kinalaman sa COVID-19 vaccination ng Quezon City Local Government Unit (QC-LGU).

Kasunod ito ng pagkaka-apruba ng isang ordinansa ni Mayor Joy Belmonte na magbibigay kaparusahan sa mga nagbebenta ng COVID vaccine, nagpapalsipika ng vaccination card at iba pang katiwalian sa vaccination program.

Ayon sa QC-LGU, may mga report nang natatanggap ang alkalde na may ilang indibidwal ang nagtangkang magpabakuna gamit ang fake notification texts mula sa city government.


Sa inaprubahang ordinansa, sinumang violators ay pagmumultahin ng P5,000 o pagkakabilanggo ng isa hanggang anim na buwan.

Ito’y bukod pa sa ibang kaso na isasampa sa kanila ng lokal na pamahalaan.

Hindi rin ligtas sa kaparusahan ang kompanya, partnership, korporasyon at iba pang juridical entity at iba pang personalidad na masasangkot sa ipinagbabawal na aktibidad.

Facebook Comments