Mga mambabatas ng US, nababahala sa ginawang pangha-harass ng China sa barko ng Pilipinas sa WPS

 

Nagpahayag ng suporta ang Amerika sa Pilipinas sa pinakahuling pangha-harass ng China sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS).

Sa courtesy ng US Congressional delegation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Senator Kirsten Gillibrand na nakikiisa sila sa pagkabahala sa mga agresibong aksyon ng China.

Mariin ding kinondena ng gobyerno ang ginawang pangha-harass ng China Coast Guard.


Matatandaang muling binomba ng water canon ng China ang barko ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre.

Samantala, sinabi naman ni Gilibrand na nais ng Amerika na palakasin pa ang ugnayan sa Pilipinas sa energy, minerals at commerce.

Malaki aniya ang ambag ng mga Filipino sa ekonomiya ng Amerika na kinukonsidera nilang mga kapatid.

Kaugnay nito, umaasa naman si Pangulong Marcos na magiging produktibo ang panahong igugugol ng mga mambabatas ng US sa bansa, sa gitna ng pagtalakay sa geopolitical issues.

Facebook Comments