SP Zubiri, umapela sa mga miyembro ng IPU na suportahan ang bansa sa paglaban sa WPS

 

Hinimok ni Senate President Juan Miguel Zubiri, ang mga miyembro ng Inter-Parliamentary Union (IPU) na samahan ang Pilipinas sa pagtaguyod ng international rules-based order sa West Philippine Sea (WPS).

Si Zubiri kasama sina Senators Nancy Binay, Pia Cayetano, Lito Lapid at Senate Minority Leader Koko Pimentel ay nagtungo sa Geneva, Switzerland bilang kinatawan ng delegasyon sa Senado para sa ika-148 IPU Assembly.

Sa mensahe ni Zubiri tungkol sa kapayapaan at pundasyon ng pagkakaisa ng IPU, umaapela siya sa international community na suportahan at manindigan kasama ang Pilipinas sa pagsusulong ng freedom of navigation at pagtalima sa international law sa WPS.


Naniniwala si Zubiri na ang pagkakaroon ng dayalogo at paguunawaan sa pagitan ng mga magkakaibang political at ideolohikal ay posibleng mangyari.

Kaya naman hinihikayat ng Senate President ang IPU members na gamitin ang magandang ugnayan na nagbubuklod para mapalakas ang parehong adhikain at pangarap na kung saan ang lahat ng mga tao ay mamumuhay nang mapayapa sa mundo.

Iginiit pa ni Zubiri na sa kabila ng mga tensyon sa WPS ay nananatili ang Pilipinas sa pagsunod sa international rules-based order, pagtiyak ng freedom of navigation at pagtitimpi sa mga ginagawang pangha-harass ng China sa bansa.

Facebook Comments