𝗣𝗔𝗠𝗢𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗖𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔

Inaasahang dadagsain na naman ng mga lokal at national maging ng dayuhang turista ang pamosong pacalat river sa Barangay Pacalat sa bayan ng Mangatarem.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Brgy. Pacalat Brgy. Captain Wilfredo Agatep, tapos na ang pagpupulong kaugnay dito at nakahanda na rin, aniya, sila sa pagdagsa ng mga bisita.

Magkakaroon, aniya, sila ng cut off kung saan ay nasa tatlong libo lamang ang bilang ng papayagang pumasok sa nasabing ilog.

Wala naman pagbabago, aniya, sa sampung pisong entrance fee at naka-uniform naman, aniya, ang bayad sa mga cottages doon.

Humingi na din sila ng tulong mula sa Lokal na pamahalaan ng bayan ng Mangatarem para sa seguridad ng mga bibisita doon.

Nagpaalala naman ang Kapitan ng ibayong pag-iingat sa mga nagpaplano na magtungo roon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments