Mga motorista, pinaiiwas muna ng MMDA na dumaan patungo sa Resorts World Manila sa Pasay City

Manila, Philippines – Inabisuhan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista na iwasan muna ang mga daanan patungo sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Ito’y dahil sa sarado pa din ang manlunas street kung saan nagsasagawa pa din ng imbestigasyon.

Maaari naman daanan ng mga motorista ang Sucat road o Edsa sa halip na Andrews Avenue para hindi na mahirapan at maipit sa biyahe.


Maging ang biyahe sa Pasig River Ferry ay pansamantala din kinansela matapos ang insidente sa nasabing hotel and casino.

Tanging ang biyahe lamang ng ferry mula PUP sa Sta. Mesa Manila hanggang pinagbuhatan ang maaaring masakyan at aabisuhan na lamang ang mga pasahero sa mga susunod na oras.

DZXL558

Facebook Comments