Mga motorsiklo na walang barrier, huhulihin na sa susunod na linggo

Simula Hulyo 20, 2020, huhulihin na ng awtoridad ang motorcycle rider na walang barrier shield para sa back-riding.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, mahigpit na ipatutupad ng pamahalaan ang paggamit ng motorcycle shield para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Una nang pinayagan ang back-riding noong Hulyo 10, 2020 para sa mga mag-asawa pero kinakailangang maglagay ng barrier sa pagitan ng mga ito.


Inaprubahan ng National Task Force against COVID-19 ang motorcycle shield na idinisenyo ni Bohol Governor Arthur Yap at ng ride-hailing company na Angkas.

Sa ngayon, imomonitor at magbibigay na lamang muna ng warning ang mga pulis sa mga magkaangkas sa motorsiklo na walang tamang barrier.

Facebook Comments