Malay, Aklan — Nakabalik na ng Cagayan De Oro City ang may 109 na mga Muslim Brothers & Sisters matapos isagawa ng LGU-Malay ang send-off sa mga ito. Amg mga ito ay ilan lamang sa mga nawalan ng hanapbuhay matapos na magsara ang mga negosyo sa isla ng Boracay dahil sa nararanasang pandemya. Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, na matapos malaman ang nais ng mga Muslim Brothers and Sisters na bumalik sa kanilang lugar habang hindi pa bumabalik sa normal ang hanapbuhay sa isla ay agad nang inayos ng LGU-Malay ang kanilang pag uwi pero dahil sa mahabang proseso ay kagabi lang ito natuloy. Naging katuwang ng LGU-Malay ang OCD Region VI, BFP, HPG, PNP, PCG, MARICOM, MSWD, MDRRMO at MTO sa nasabing send-off.
Facebook Comments