Mga Nabakunahan na Indigent Population sa Nueva Vizcaya, Nasa 1% pa lang

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 165,857 ng bakuna ang naiturok na kontra COVID-19 sa mga Novo Vizcayano.

Ito ay base sa COVID-19 vaccination deployment ng Provincial Government ng Nueva Vizcaya.

Mula sa 70% target na populasyon na mabakunahan ay nasa 341,767 palang ito habang 96,844 naman ang partially vaccinated o katumbas ng 28%. Nasa kabuuang 69,013 o 20% naman na indibidwal ang fully vaccinated. Kaugnay nito, nasa 157,862 ang unang dose ng bakuna na natanggap ng lalawigan habang 149,462 ang sa second dose.


Samantala, nasa kabuuang 89% mula sa 8,647 na eligible population ng A1 priority group o mga health care workers ang fully vaccinated habang 56% naman sa A2 priority group o mga senior citizen mula sa eligible population na 47,284.

Bahagyang mababa naman ang bilang ng fully vaccinated sa lalawigan na umabot lamang sa 43% mula sa 35,719 na eligible population ng persons with comorbidities at 44% naman mula sa 33,626 na eligible population ng essential workforce ang nabakunahan palang.

Nananatili naman sa 1% o 1,209 ang fully vaccinated sa A5 priority group o mga indigent population mula sa target na 90,817.

Patuloy naman ang paghimok ng pamahalaan sa mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 na magpatala sa mga municipal health office para sa schedule ng bakuna.

Facebook Comments