Pamamahala sa mga sementeryo sa Metro Manila ngayong Undas, maayos

32

Tatlong araw bago isara ang mga sementeryo sa Metro Manila, nag-ikot si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos kaninang umaga sa ilang sementeryo.

Ayon kay Abalos, naging maayos ang pamamahala ng mga lokal na pamalaan ng Metro Manila at pagpapatupad ng health and safety protocols laban sa COVID-19 sa ilang sementeryo.

Ngayong araw, binisita ni Abalos ang Manila North Cemetery at Garden of life ng Mandaluyong City.


Batay sa kanyang obserbasyon, wala siyang nakitang paglabag sa mga panuntunan Ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ipinatutupad ngayong panahon ng Undas.

Facebook Comments