Batay sa inilabas na datos ng Isabela Provincial Information Office as of January 17, 2022, mayroon ng 987,257 katao o katumbas ng 90.5% ang nabakunahan ng first dose ng bakuna habang nasa 850,611 katao o 52.8% naman ang nabigyan ng second dose o Fully Vaccinated.
Mula naman sa 2022 Population, nasa 61.6% na rito ang nabakunahan o 90.5% naman mula sa 70% na 2022 target population.
Samantala, umabot na sa 100% ang nabakunahan sa A1 priority group o mga Health workers; 90.7% sa A2 priority group o mga senior citizens; 111.3% sa A3 priority group o mga may comorbidities; 172.4% sa A4 Priority group o mga essential workers/frontliners in national government offices at mga uniformed personnels; at 72.9% naman sa A5 priority group o mga iba pang manggagawa at kabilang sa indigent population.
Nasa 5,138 katao naman ang nabakunahan sa Pediatric A3; 153,172 sa Rest of Pediatric Population at 191,730 naman sa Rest of the Adult Population.
Patuloy naman ang ginagawang paghimok ng pamahalaang panlalawigan sa mga hindi pa nabakunahan ng COVID-19 vaccine na magpabakuna na upang magkaroon ng sapat na proteksyon sa sarili at pamilya laban sa banta ng Coronavirus.