Mga Nagtitinda ng Pangunahing Bilihin, Tanging Pinapayagang Magbukas sa Bayan ng San Guillermo!

Cauayan City, Isabela- Tanging mga nagbebenta lamang ng mga pangunahing bilihin ang pinapayagang mag bukas ngayon sa bayan ng San Guillermo, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Sangguniang Bayan Member Nilo Guyod ng San Guillermo, bahagi pa rin aniya ito ng pagpapatupad sa Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Mahigpit aniya nilang ipinapatupad na isa lamang ang kanilang pinapayagayang mamalengke o bumili ng importanteng bagay sa kada isang pamilya at dapat mayroong ipapakitang travel pass sa checkpoint.


Pinapayagan rin aniya nila na bumyahe ang mga traysikel basta isang pasahero lamang ang isasakay.

Maaari din aniyang gamitin ang kanilang traysikel sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan.

Pagsapit na ng alas 5:00 ng hapon ay dapat nakapagsara na ang palengke maging ang mga iba pang nagbebenta ng mga pangunahing bilihin.

Bukod dito, mahigpit rin na ipinapatupad sa naturang bayan ang Curfew hour mula alas 8:00 ng gabi hanggag alas 5:00 ng umaga.

Samantala, sinabi ni SB Guyod na hindi na nadagdagan ang Brgy. Centro Uno na apektado ng ASF maging ang bilang ng mga baboy na isinailalim sa culling.

Facebook Comments