Mga nahuli sa droga, kinasuhan na ng PNP

*Pormal ng pinagharap kahapon ng kaso ang apat katao na nahuli sa magkaibang mga lugar ng PP2,PP3 at mga barangay officials ng RH-10.*
*Kasong paglabag sa Comprehensive dangerous drug act of 2002 o RA-9165 ang kinaharap nina Annaliza Pananggulon 47 anyos na taga Mabini street, at si Basir Sanday Ali na kapwa nahuli ng tig dalawang sachet ng shabu noong araw ng sabado.*
*Kaparehong kaso din ang isinampa sa dalawang binata na sina Robert Rafols at Nathaniel Buenaflor na nahuling nagdo-droga noong sabado ng gabi sa san isidro street, na naaktohan ng mga barangay tanods ni Kap.Kombol Mamamalangkay…Silay nakapiit parin sa PP2 at PP3 na posibleng mailipat sa city jail kapag magprosfer ang kasong isinampa sa kanila.*

Facebook Comments