Wednesday, November 25, 2026

NAPOLCOM, bubugbugin sa kaso ang mga mapapatunayang mapang-abusong pulis; mga biktima, hinimok na magsumbong sa ahensya

Hindi makakatakas sa administratibong kaso at posibleng pagkasibak sa serbisyo ang mga pulis na mapapatunayang sangkot sa karahasan laban sa kanilang mga asawa o domestic partner.

Ito ang babala ang National Police Commission o NAPOLCOM, kasabay ng nalalapit na paggunita sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women o VAW ngayong taon mula Miyerkules, November 25 hanggang December 12 na may temang “UNiTEd for a VAW-free Philippines”.

Kasabay nito, hinimok ng NAPOLCOM ang mga biktima na magsumbong sa nasabing ahensya kaugnay ng mga pang-aabuso o karahasan ng mga pulis sa loob ng tahanan.

Umaasa si NAPOLCOM Commissioner Rafael Vicente Calinisan, na nagsilbing pag-asa sa mga biktima ang kababaihan na naglakas-loob na lumapit sa ahensya nitong mga nakaraang linggo para magsampa ng reklamo laban sa mga pulis na nang-aabuso sa loob ng tahanan.

Dagdag pa rito, nagpaalala rin ang NAPOLCOM na maaari ring lumapit ang mga biktima sa Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Desks (WCPD) sa buong bansa para humingi ng tulong kaugnay ng VAWC.

Facebook Comments