Mga nasawi dahil sa pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, sumampa na sa 44

Muling nadagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil sa malakas na ulan at baha na dulot ng Shearline, Low Pressure Area (LPA) at Northeast Monsoon, sa iba’t ibang rehiyon ng bansa simula Enero a-2.

Sa huling situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, 20 sa mga iniulat na nasawi ang kumpirmado at 24 din ang for verification pa.

Nakapagtala din ng 11 sugatan at 8 naman ang nawawala.


Sa nasabing bilang labing apat mula sa Region 5, labing dalawa sa Regions 9, walo mula sa Region 10, pito sa Region 8 at tig-iisa mula sa MIMAROPA, Region 11 at 12.

Samantala nasa mahigit 497,000 pamilya o katumbas ng mahigit 2 milyong indibidwal ang apektado sa Regions 2, 3, MIMAROPA, CALABARZON, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12 at BARMM.

Facebook Comments