Tumanggap ng tulong pinansyal ang mga ito ng nagkakahalaga ng 10,000.00 hanggang 20,000.00 depende sa kategorya ng kanilang membership sa OWWA.
Ang mga nakatanggap ng tulong ay sina Marjorie E. Antonio, Margie A. Manglallan, mga taga San Agustin, Isabela; Marilou G. Materum, Rhizza Rhea G. Vicente, Nelia C. Villeza, mga taga Alicia, Isabela; Fe R. Sibayan, taga Jones, Isabela; at Rona Grace B. Agustin mula sa Cauayan City, Isabela.
Samantala, isang OFW din mula sa probinsya ng Nueva Vizcaya na si Amalia M. Dupinio ang napagkalooban ng nabanggit na tulong mula sa ahensya.
Ang programang BPBH ng OWWA ay tulong pangkabuhayan sa ating mga kababayang distressed/displaced OFWs na bumalik na sa ating bansa na nagkakahalaga ng hanggang Php 20,000.00 bilang panimula o pandagdag capital para sa kanilang pangkabuhayan.