Mga Organisasyong Nagtataguyod ng Karapatang Pantao, ‘Di Sumipot sa Hamon ng mga Katutubong Ifugao!

Cauayan City, Isabela- Hinamon ng mga katutubong Ifugao ang mga miyembro ng organisasyong Cordillera People’s Alliance (CPA), Cordillera Human Rights Aliance (CHRA), at ang Ifugao Peasant Movements (IPM).

Ito ay upang ipakita at iparamdam sana ng mga ito ang kanilang malasakit at pagkundena sa ginawang pamamaslang ng mga New People’s Army (NPA) sa dating Kapitan ng Barangay Tinukucan, Tinoc, Ifugao na si Joseph Alicnas Calabson.

Sa kabila ng paghamon ng mga katutubo ay walang nagpakita o nagsalita sa mga miyembro ng nabanggit na organisasyon na sinasabing ipinaglalaban ang karapatan ng mga maralita at naaapi.


Samantala, nakikidalamhati naman si MGen Pablo Lorenzo, pinuno ng 5th Infantry Division at ang buong kasundaluhan sa naulilang pamilya ng biktima.

Hindi aniya titigil ang kausndaluhan sa pagtugis sa mga teroristang NPA na responsible sa krimen kaya’t nananawagan si MGen. Lorenzo na makipagtulungan sa militar upang tuluyang wakasan ang presensya ng NPA sa Lalawigan at mabigyan ng hustisya ang napatay na dating Kapitan ng Barangay.

Facebook Comments