Nasa heightened alert level number five ngayon ang lungsod pati narin ang mga karatig na mga munisipyo at probinsya dahil narin sa mga impormasyon nasasagap ng mga otoridad na mataas ang banta ng terorismo at paglalagay ng mga bomba sa mga kalsada at ilang strategic area sa central Mindanao.
Ayon sa impormasyon, dalawang mga bomb maker di-umano ng BIFF ang inatasan ng kanilang commander na magtransport ng mga IED sa ilang mga lugar..Mula pa kagabi ay nakataas na ang alert level ng mga kapulisan at kasundaluhan mula sa maguindanao o sa buong central Mindanao at masusing minamatyagan ang mga sasakyan na posibleng gamitin ng mga masasamang loob sa pagtransport ng mga bomba.
Kayat umaapela ang mga kinauukulan natin sa taumbayan na maging alerto o mapagmatyag sa kapaligiran at ireport kaagad sa mga pulis o kasundaluhan kung meron mamataan mga kahina-hinalang bagay o tao sa kapaligiran…
Kahapon dakong 6:50 ng umaga dalawa katao ang nasugatan sa pagsabog ng IED sa barangay Labu-Labu dos datu hoffer ampatuan maguindanao na sakay ng Kia Bongo na sasakyan.Kinilala ang sugatan na sina Jay Divinagracia 10 years old at Danilo Tabieros 25 anyos na fish vendor kapwa resident eng Guila-guila south Upi maguindanao.
Pasado alas otso naman ng umaga ng mahagip din ng IED ang dalawang kasapi ng 57IB sa sitio perez barangay Maitumaig datu unsay maguindanao kung saan isa ang nasawi at isa ang nasugatan na kinilalang sina Ian Cris Celeste.
Sa pag iikot ng mga helicopter kagabi sinabi ni 6th CMO Battalion commander Col.Gerry Besana na wala umanong dapat na ikabahala dahil itoy bahagi parin ng security measures ng task force central upang mapaigting pa ang pagbabantay sa kapaligiran.
Mga otoridad sa central mindanao nakaalerto sa banta ng pagtanim ng mga IED
Facebook Comments