Kalibo, Aklan — Nasa 87 na mga paaralan sa Aklan ang sasailalim sa onsite validation simula bukas Mayo 18 hanggang 19 para sa pagpapalawak ng limited face-to-face classes. Para masuri ang kahandaan ng mga paaralan para sa pagpapalawak ng face to face classes ay gagamit ang Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) ng isang Revised School Safety Assessment Tool. Nakasentro ito sa pag-manage ng mga school operations, school-community coordination, seguridad at proteksyon ng lahat. Maliban dito, kailangan ding magpakita ng written consent mula sa magulang o guardian ang mga lalahok na mag-aaral sa F2F classes at ang mga nabakunahang guro lamang ang pinapayagang lumahok sa mga isasagawang in-person classes.
Facebook Comments