MGA PAMILYA NG OFW NA NASALANTA NG BAGYONG URSULA, SIGURADONG MAKAKATANGGAP NG CALAMITY ASSISTANCE MULA SA OWWA AYON SA PESO AKLAN

Kalibo, Aklan-Naghingi ng pag unawa ang tanggapan ng Publicl Employment Service Office (PESO) Aklan sa pagkaantala ng calamity assistance para sa mga pamilya ng OFWs na nasalanta ng bagyong Ursula noong nakaraang taon.
Ayon kay Ms. Vivian Ruiz Solano, Manager ng PESO- Aklan, suguradong matatanggap ito ng mga qualified na benipisyaryo sapagkat may nakalaan ng pondo para rito ngunit hindi nga lang tiyak kung kailan.
Aniya, araw araw niya itong pinafollow up sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa rehiyon.
Sa ngayon mahigit 1800 nang mga application forms ang na pre evaluate ng PESO at sa oras na madala ito sa region ay ievaluate ulit ng OWWA at ipafinalize kung sino ang makakatanggap ng P3,000 na assistance.
Upang maiwasan din ang face to face contact, isinuhestiyon niya sa ahensiya na ipadala nalang sa mga money transfer at remittances ang pera sa mga recipient.
Sa naturang bilang nauna nang nabigyan ang first at second batch noong buwan ng pebrero at marso sa halos 800 na benipisyaryo ngunit hindi lahat ay nakarating sa PESO para iclaim ito.
Naantala lamang ang distribution nito dahil na rin sa banta ng Corona Virus Disease o Covid-19 pandemic.
Matandaang isa sa mga requirements para maka avail ng cash assistance ay may active memebership sa OWWA ang isang OFW.
Umaasa din si Sulano na sa susunod na linggo ay mapick up na ang naturang mga papeles sa kanilang tanggapan upang matapos na ang pagproseso dito.

Facebook Comments