Mga pamilyang apektado ng oil spill, halos 30K na!

Umabot na sa halos 30,000 pamilya ang naapektuhan ng tumagas na langis mula sa lumubong na oil tanker sa Oriental Mindoro.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), apektado na ng oil spill ang nasa 29,432 pamilya o katumbas ng 131,996 na mga indibidwal.

Mula ang mga ito sa 121 barangay sa Oriental Mindoro, Palawan at Antique.


Umabot na sa ₱7 milyong halaga ng tulong ang naipagkaloob ng DSWD, mga local government unit at mga pribadong organisasyon sa mga apektadong residente.

Naglaan din ang ahensya ng ₱778 million na standby funds.

Samantala, sinimulan na ngayong araw ng Philippine Coast Guard, Local Government Unit at mga volunteer ang massive cleanup drive sa bayan ng Pola na isa sa pinakaapektado ng oil spill.

Facebook Comments