*Cauayan City, Isabela- *Kasama ang ilang PDL’s at mga frontliners sa naitalang 53 na bagong positibo sa COVID-19 sa probinsya ng Cagayan.
Mula sa 53 new COVID-19 cases na naitala sa probinsya sa loob ng isang araw, Enero 25, 2021, dalawampu (20) rito ay mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Cagayan Provincial Jail (CPJ) at mga frontliners sa Lungsod ng Tuguegarao, sa bayan ng Amulung, Baggao, Peñablanca at Iguig.
Sa tala ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU ng Provincial Health Office (PHO), pinakamarami pa rin ang local transmission sa Lungsod dahil sa mayroon itong 26 na kataong nagkahawaan ng virus.
Sa 41 cases naman sa Tuguegarao City ay labing tatlo (13) ang mga sumailalim sa Aggressive Community Testing (ACT) ng DOH na isinagawa sa kalunsuran kamakailan.
Bunsod ng 41 COVID-19 positive cases sa Tuguegarao City, pumalo sa 310 ang actives cases nito.
Umaabot naman sa 415 ang aktibong kaso sa Cagayan at maliban sa Tuguegarao City na may malaking bilang ng kaso ay 36 dito ang mula sa Solana.
Ang ibang bayan na may positibong kaso ay sa Baggao, Iguig, Peñablanca, Alcala, Piat, Claveria, Amulung, Rizal, Pamplona, Gattaran, Allacapan, Ballesteros at Enrile.