Mga Pilipino sa Guam at South Korea dapat ipaalam sa mga embahada at Consular Office ng bansa ang kanilang kinaroroonan

Manila, Philippines – Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa mga Pilipino sa South Korea at sa Guam na makipag-ugnayan sa embahada at consular office ng Pilipinas.
Ito ay sa harap narin ng banta ng North Korea na bobombahin ang mga kaalyado ng Estados Unidos ng Amerika na malapit sa kanila bilang sagot narin nito sa banta at mga banat ni US President Donald Trump.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat ay makipagugnayan ang mga Pilipino sa consular office at embahada ng Pilipinas at ipaalam ang kanilang kinaroroonan upang maging handa sa anomang posibleng mangyari.
Nanawagan din naman ang Malacañang sa lahat ng bansa na may kinalaman sa umiinit na sitwasyon na tigilan na ang mga military threat at magkaisa para simulant ang isang pag-uusap.
Matatandaan na sinabi narin ng Malacañang na ginagawa ng Gobyerno ang lahat para matiya ang kaligtasan ng mga Pilipino sa South Korea at sa Guam.

Facebook Comments