Mga Pinoy, Lunod na sa TRAIN Law!

Cauayan City, Isabela- Hindi sumasang-ayon si senador Bam Aquino sa batas na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law dahil nalulunod na umano ang mga apektadong pinoy dahil sa Inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa ekslusibong panayam ng RMN Cauayan kay senador Bam Aquino, aniya hindi pa umano handa ang gobyerno upang ipatupad ang programang tulong para sa mga mahihirap dahil hanggang sa ngayon ay wala pa rin umano ang sinasabi ng gobyerno na programang tulong para sa mga ito.

Ayon pa sa Senador, kung tutuusin umano na lahat ng mga minimum earners maging ang mga tricycle at jeepney drivers, sari-sari store owners at mga mabababa ang kita ay wala umanong makikitang benepisyo sa TRAIN Law bagkus ay ang pagtaas lamang ng presyo ng mga bilihin.


Iginiit pa ng senador na Tama na umano ang debate at kailangan na lamang ng aksyon ng bayan.

Umaasa naman ang senador na sana’y masuportahan umano ang kanilang isinumiteng panukala na suspendihin na muna ang TRAIN Law habang patuloy pa umano ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at kerosene.

Aniya, kung masususpinde umano ang TRAIN Law ay siyang pagtanggal rin sa presyo na itinaas ng isang produkto na malaking tulong umano para sa mga mamimili.

Facebook Comments