Friday, November 20, 2026

Mas matibay na pagtutulungan laban sa ilegal na pangingisda, isinulong ni PBBM sa APEC Summit

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mas matibay na pagtutulungan ng mga bansa upang matugunan ang problema ng ilegal na pangingisda.

Tinalakay ito ng Pangulo sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China.

Isinulong din ni Marcos ang pagpapalawak ng kalakalan, pagbubukas ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino at paggamit ng artificial intelligence o AI upang matulungan ang maliliit na negosyo.

Kabilang din sa mga tinalakay ang pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan at paghahanda sa pagbabago ng populasyon.

Ayon sa Pangulo, dapat maramdaman ng mga mamamayan ang pakinabang ng pagtutulungan ng mga bansang kasapi ng APEC sa pamamagitan ng mas maraming trabaho, mas matatag na negosyo at mas maunlad na kinabukasan.

Facebook Comments