
Mariing pinabulaanan ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman at Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na may nilulutong plano ang Kamara para hadlangan ang 2028 National Elections.
Diin ni Adiong, produkto lang imahinasyon ang No-Election sa 2028 na pinalulutang ng tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Paolo Panelo Jr.
Sabi ni Adiong, hindi kailanman inisip, pinag-usapan, isinulong at tinalakay sa Kamara ang anumang hakbang para kanselahan ang 2028 elections, pahabain ang termino ng kasalukyang mga halal na opisyal o palitan ng parliamentary ang porma ng gobyerno.
Paliwanag ni Adiong, ang pagsasagawa ng regular elections ay itinatakda ng Konstitusyon na hinding-hindi lalabagin ng House of Representatives.










