Thursday, November 19, 2026

APEC Summit sa China, aarangkada na ngayong araw

Aarangkada na ang APEC Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China, na lalahukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang iba pang lider ng rehiyon.

Kabilang sa nakatakdang aktibidad ng Pangulo ang pakikipagpulong sa mga lider ng Vietnam at Mexico.

Makikipagpulong din siya kay Chilean President José Antonio Kast, kasabay ng nakatakdang paglagda sa Comprehensive Economic Partnership Agreement o CEPA na magpapalawak sa kalakalan ng Pilipinas at Chile.

Kasama rin sa kanyang iskedyul ng Pangulo ang pakikipagpulong sa mga lider ng Peru at Papua New Guinea.

Sa paglahok ng Pilipinas sa APEC, isinusulong ni Marcos ang pagbubukas ng mas maraming merkado para sa produktong Pilipino, pagpasok ng mga dayuhang pamumuhunan at paglikha ng trabaho sa bansa.

Layunin din ng Pangulo na palakasin ang ugnayang pangkalakalan at kooperasyon ng Pilipinas sa mga ekonomiya sa Asia-Pacific region.

Facebook Comments