TOP1 MOST WANTED PERSON SA SANTIAGO CITY, NATIMBOG NG MGA OTORIDAD

81
Cauayan City, Isabela- Nahulog na sa kamay ng mga otoridad ang itinuturing na Top 1 most wanted person sa Station level sa Barangay Batal, Santiago City.

Sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Nicasio Brillantes Bautista III ng Regional Trial Court, Branch 21, Santiago City ay nadakip si alyas “Johnny”, dalawamput apat na taong gulang, walang asawa at residente ng Purok 1, Naggasican, Santiago City.

Si ay nahaharap sa kasong apat na beses na panggagahasa at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang paglaya.

Ang naturang manhunt operation ay isinagawa ng pinagsanib pwersang tauhan ng Traffic Enforcement Unit, at ng Santiago City Police Office warrant servers.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Presinto Uno ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments