Mga pinoy walang dapat ipagluksa sa pagkatalo sa Ms. Universe ayon sa isang Icon of Beauty ng Iligan

Iligan City – Walang  dapat  na ipagluksa ang  sambayanang  Pilipino nang hindi manalo ang representanteng bansa sa ginanap na Ms. Universe kahapon.
 
Ayon  sa Icon of Beautyng  Iligan na si Ms. Cathy Tan na  ginawa naman lahat ni Ms. Rachel Peters paramasungkit ang korona ng Ms. Universe pero nabigo ito.
 
Sinabi  ni Tan na  posibleng  hindi pa panahon ni  Peters dahil  may kanya-kanyang panahon ang bawatindibidwal na sasali sa isang kumpetisyon lalong-lalo na sa beauty pageant.
 
Kahit  hindi nanalo  siPeters ay malaking karangalan pa rin ang kanyang pagkapasok sa top 10 dahil sahalos nasa isang daan na kandidata ay nagpakita pa rin ito ng kakayahan namaipasok ang kanyang sarili sa top 10.
 
Dahil dito dagdag ni Tanna kailangan pa rin na ipagmalaki ng mga Pilipino ang pambato ng pilipinas sams. Universe na si Ms. Rachel Peters.(Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
 
 

Facebook Comments