Iginiit ni Senador Risa Hontiveros sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na kolektahin ang hindi pa nababayarang buwis sa prangkisa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) bago sila palayasin sa bansa.
Ayon kay Hontiveros, aabot sa mahigit sa P40 bilyon ang utang na buwis ng POGO na magagamit para masuportahan ang mamamayan lalo na ang mga nawalan ng trabaho ngayong may pandemya.
Sabi ni Hontiveros, kapag nakapagbayad na ay paalisin na agad ang mga POGO dahil iba’t ibang krimen ang nakakabit dito tulad ng kidnapping at prostitusyon.
Ipinaalala rin ni Hontiveros ang pastillas scam sa Bureau of Immigration (BI) kung saan ilegal na nakakapasok sa bansa ang mga Chinese nationals na madalas ay POGO workers.
Facebook Comments