Mga problema tuwing unang araw ng klase, aagapan ng Department of Education

Manila, Philippines – Para masiguro ng Department of Education na magiging maayos ang pagbubukas ng klase sa June 5, bubuhayin ng DepEd ang Oplan Balik Eskwela.

Sa nasabing programa, tutukuyin at susulusyonan ang kadalasang nagiging problema tuwing unang klase.

Ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones, bukod sa may problema sa supply ng tubig at kuryente, kalimitan may mga estudyante na naliligaw sa unang araw ng klase kung saan ang magiging silid-aralan nito.


May problema din sa mga enrollees na mula sa pribadong eskwelahan at lilipat sa pampublikong paaralan, na mas nakakalito kasunod ng Senior High School Voucher Program.

Tatagal ang Oplan Balik Eskwela ng DepEd mula May 29 hanggang June 16 ng taong 2017 at gagawin ito sa buong bansa.
DZXL558

Facebook Comments