Mga pulis,kapitan at cotabatenyo sumailalim sa seminar kontra terorismo

*Sumailalim ngayon sa isang araw na Seminar on Preventing and Countering
Violent Extremism, ang mga miyembro ng Cot.City Police Office,barangay
captains, tanods at Bpat, academe, CSO’s at religious sector.*

*Ang seminar ay pinangunahan ng Regional Training Center ng PRO-12 na
pinangunahan ni PSI Charles Polache, at Guest speaker naman si Mayor
Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi, at naroon din si City Public Safety
Officer retired Chief Supt.Rolen Balquin at City PNP Director Police
Sr.Supt.Rolly Octavio na kapwa nagbigay ng lecture.*

*Sinabi ni Balquin, na layuninng seminar ay magkaroonng kaalaman ang mga
cotabatenyo lalo na ang mga barangay officials kung paano mapigilan ang
ginagawang recruitment ng mga Isis Inspired group at kung paano ito
labanan.Sa ngayon kasi daw ay pangunahing problema ng buong mundo ang
violent extremism.*


Facebook Comments