Mga Residente sa Isang Sitio sa Cagayan, Tinulungang Magkaroon ng Hanapbuhay

Cauayan City, Isabela- Nagpapasalamat at labis ang kasiyahan ng mga residente ng Sitio Lagum sa Brgy. Lipatan, Sto Niño, Cagayan matapos silang maturuan ng gumawa ng homecare products para sa kanilang hanapbuhay.

Pinangunahan mismo ng mga technical staff ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagtuturo sa ilang mga residente sa paggawa ng dishwashing liquid at sabong panlaba.

Ito ay bahagi ng Community Empowerment thru Science and Technology (CEST) program ng nasabing ahensya para sa mga lugar na apektado ng insurhensiya.


Bukod dito, namahagi rin ang DOST ng Enhanced Nutribun para sa mga bata.

Nagkaroon na rin ng pakikipag ugnayan ang nasabing ahensya at Police Regional Office No. 2 sa mga residente kung saan nila gagamitin ang Php300,000.00 na ibinigay para sa kanila.

Ang Sitio Lagum sa barangay Lipatan sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan ay mararating sa pamamagitan lamang ng higit tatlong oras na paglalakad o pagsakay ng kalabaw at kabayo.

Facebook Comments