Mga senior citizen ng Makati, makakatanggap ng midyear cash gift

Ipapamahagi na ng lokal na pamahalaan ng Makati ang Midyear cash gift para sa mga senior citizen, simula bukas.

 

Simula bukas June 10, 2019, makukuha na ng 84,111 na miyembro ng blue card program ang kanilang bonus kung saan ang mga edad 60 hanggang 69 taong gulang ay makakatanggap ng P1, 500.00.

 

Habang ang nasa 70 hanggang 79 taong gulang ay makakakuha ng P2, 000.00 at 80-anyos pataas mabibigyan ng P2, 500.00.


 

Nabatid na nasa limang daan at tatlumput-tatlong milyong piso ang inilaan na pondo ng lokal na Pamahalaan ng Makati ngayong taong 2019 para sa cash gift gayundin sa mga centenarian.

 

Hanggang July 15 ipamamahagi ang nasabing cash gift kung saan makukuha ito sa nawat barangay sa lungsod.

Facebook Comments