Umabot na sa 265, 119 na mga indigent senior citizens sa Western Visayas ang nakatanggap ng kanilang social pension galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VI.
Ayon kay Regional Director Ma. Evelyn Macapobre na base sa kanilang datus noong March 18, 2020 umabot na rin sa P795,357,000 ang na release na pondo para sa mga social pensioners.
Sinabi rin ni Macapobre na ang kada beneficiary ay tumanggap ng P3,000 stipend na saklaw nito ang first semester ng taong 2020 para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo.
Anga nasabing ahensya ay nabayaran na ang 39, 836 na senior citizens sa Aklan; 31, 744 sa Antique; 45, 358 sa Capiz; 13, 461 sa Guimaras; 24, 140 sa Negros Occidental at 110, 580 sa Iloilo.
Target naman ng ahensya ang kabuuang 365, 908 indigent senior citizens beneficiaries sa rehiyon.
Mga Senior Citizens na nakatanggap ng social pension sa Western Visayas, umabot na sa 265,000
Facebook Comments