
Arestado ang isang 59-anyos na babae matapos masakote ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong pagnanakaw noong umaga ng Abril 14, 2026.
Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng San Carlos City Police Station sa bisa ng bench warrant laban sa suspek para sa kasong Theft sa ilalim ng Revised Penal Code (Article 308) na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱36,000.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng San Carlos City Police Station ang akusada habang isinasagawa ang kaukulang proseso para sa kanyang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










