Wednesday, April 15, 2026

SUSPEK SA FRUSTRATED MURDER AT TOP 1 MOST WANTED, TIKLO SA STA. BARBARA

Naaresto ng Sta. Barbara Police Station ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa municipal level kaugnay ng kasong Frustrated Murder sa isinagawang focused operation noong Abril 13, 2026 sa Brgy. Poblacion Norte, Sta. Barbara, Pangasinan.

Kinilala ang suspek bilang isang 68-anyos na residente ng naturang bayan.

Ayon sa ulat, isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court sa Dagupan City, Pangasinan, na may inirekomendang piyansa na ₱120,000.

Kasunod ng pag-aresto, agad na dinala ang suspek sa Sta. Barbara Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang proseso bago ang pagsasampa ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments