
Arestado ang isang 32-anyos na lalaki matapos maaktuhang umano’y nagnanakaw ng cellphone sa ukayan sa Lingayen, Pangasinan bandang alas-3 ng hapon noong Abril 14, 2026.
Ayon sa imbestigasyon, kinilala ang biktima na isang 38-anyos na empleyado ng ice plant mula Labrador, Pangasinan.
Itinabi umano ng biktima ang kanyang bag habang namimili sa ukay-ukay, ngunit noong kukunin niya ito, napansin niyang nawawala na ang kanyang cellphone na tinatayang nagkakahalaga ng ₱11,000.
Humingi ng tulong ang biktima sa isang vendor sa lugar upang tawagan ang kanyang cellphone at natuklasang nasa pag-iingat ito ng suspek.
Agad humingi ng tulong sa Lingayen Municipal Police Station ang biktima, na nagresulta sa agarang pag-aresto sa suspek na pawang residente ng Binmaley.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso kaugnay ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










