Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang mga tauhan na ilagay sa Precautionary Hold Departure Order (PHDO) ang mga personalidad na iniimbestigahan sa pagpatay kay Percy Lapid.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, layon nito na mapigilan ang paglabas ng bansa ng naturang mga akusado.
Una nang sinabi ni Remulla na hindi na kailangan ng lookout bulletin dahil bawal naman lumabas ng bansa ang sinumang opisyal ng gobyerno na walang permiso.
Ang PHDO ay ihahain ng prosekusyon sa korte upang pigilan ang tangkang paglabas ng bansa ng sinumang sumasailalim sa preliminary investigation.
Sa ngayon, wala pang nabubuo ang DOJ na panel of prosecutors na hahawak sa kaso ng pagpaslang sa nasabing radio commentator.
Facebook Comments